4 na bayan at 3 Lungsod sa Albay nakamit na ang heird immunity – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Aabot na sa 722, 120 o 73% ang nababakunahan na sa buong lalawigan.

Ayon sa Doh, apat na bayan na at tatlong lungsod sa Albay ang nakakuha na ng heird immunity laban sa covid 19.

Pinakamataas ang lungsod ng legazpi 108% ang nabakunahan na o 84% ang fully vaccinated na as of Dec 27 6pm sa taong 2021.

Sinundan ito ng lungsod ng Tabaco na 83% ang binakunahan na o 55% ang fully vaccinated at Ligao City 71% sa 1st dose o 62% ang totally vaccinated.

Kabilang din sa mga nakakuha na ng heird immunity ang bayan ng Malinao, Manito, Polangui at Tiwi habang ang bayan ng Rapu Rapu ang nag iisa sa mga pinakamababang nabakunahan na umabot lamang sa 33% o 20% ang fully vaccinated.

Inaasahan sa mga natitirang mga bayan sa Albay na hindi pa naabot ang heird immunity ay makakamit ng mga Lgu’s bago magtapos ang taon 2021.

Sa patuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga pediatric at adult gropu sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *