Patay ang apat na katao matapos na kumain ng “Puffer Fish” o “Butete” sa Busuanga, Palawan.
Ang insidente ay iniulat sa Busuanga Public Information ngayong araw ng Miyerkoles.
Nangyari umano ang pagkamatay ng apat na tao kahapon, Marso 12 mula sa Barangay Buluang.
Nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga naulila si Mayor Cervantes at ang Pamahalaang Bayan habang pinag-iingat ang lahat.