Bagyong Gardo posibleng higupin ng Supertyphoon ‘Hinnamnor’

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang sama ng panahon na tiyak na makaka-apekto sa lagay ng panahon sa mga susunod na oras.

Kabilang dito ang Tropical Depression “GARDO” na huling namataan sa 1,140 km East ng Extreme Northern Luzon na may maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km/h .

Kumikilos ito pahilagang-silangan sa bilis na 10 km/h.

Samantala may active tropical cyclone sa labas ng par na super typhoon “hinnamnor” ay namataan sa 1,170 km silangan hilagang-silangan ng extreme northern luzon.

Taglay nito ang maximum sustained winds na papalo sa 195 km at pagbugsong aabot sa 240 km/h.

Sinabi naman ng PAGASA na posibilidad na magsanib ang dalawang bagyo at higupin ng supertyphoon ‘Hinnamnor’ ang bagyong Gardo.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng Localized Thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *