‘Bakunawa costume’ ni Miss Philippines umani ng papuri sa mga netizens

Umani ng positibong reaksiyon mula sa mga netizens ang isinuot na National Costume ni Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez sa 70th MISS UNIVERSE Preliminary Competition and National Costume Show na ginanap ngayong umaga oras sa Pilipinas.

Inirampa ni Gomez ang ‘Bakunawa dragon’ costume ay halaw sa kwentong bayan o alamat ng mga Bicolano at Bisaya.

Ang costume na kulay ginto at may mukha ng dragon sa magkabilang balikat ay gawa ng fashion designer na si Axel Que habang ang headpiece at accessories ay obra ni Manny Halasan.

Ilan sa mga netizens kabilang na ang dating Beauty Queen na si MJ Lastimosa ang nagsabing ito na ang pinakamagandang national costume na inirampa ng Pilipinas.

Sa Lunes, inaabangan naman ng mga Pinoy kung muli bang masusungkit ng bansa ang korona sa 2021 Ms. Universe coronation night.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *