BCDA, naghahanap ng mga Japanese investors para sa ilan nilang proyekto

Target magkaroon ng Japanese investors ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) para sa mga nakalatag nitong programa at proyekto.

Ayon kay BCDA president and chief executive officer Joshua M. Bingcang, naghahanap ang ahensya ng Japanese partners para sa mga proyekto sa New Clark City, Clark Freeport Zone, at Clark International Airport.

Ilan sa mga proposal ni Bingcang ay ang 100-ektaryang mixed-use Clark Central Business District, at 35-ektaryang abot-kayang residential complex sa Clark Freeport Zone at New Clark City.

Binigyang-diin ng opisyal na ang pakikipagkaibigan ng bansa sa Japan ay nagpapatuloy sa paglago – isang patunay sa remarkable progress pagdating sa mga high-impact projects para sa New Clark City.

Sa kasalukuyan, may 10 Japanese companies na nag-o-operate sa Clark Freeport Zone, kasama na rito ang Yokohama at Taiyo Nippon Sanso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *