Bilang ng mga walang trabaho nitong Agosto bumaba-PSA

Bumababa ang bilang ng walang trabaho nitong Agosto ayon sa Philippine Statistic Authority.

Sabi ng PSA Usec. Dennis Mapa, bumaba ang unemployment rate sa 4.4% nitong Agosto mula sa 4.8% noong Hulyo.

Sa kabuuhan umabot na sa 2.21 milyong mga Filipino ang walang trabaho.

Ang nangyaring pagbaba ay dahil umano sa pagbukas ng klase na nakatulong sa mga negosyong malapit sa paaralan, ngunit kahit na bumababa ang employment rate tumaas naman ang bilang ng may trabaho sa bansa.

Aminado naman ang PSA na karamihan sa may mga trabaho sa bansa ay low quality o may mababang sweldo at ang iba pa ay nasa kategorya ng unpaid family worker o ang tumutulong sa trabaho ng pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *