Brigadahan foundation, nagpaabot ng tulong sa mga binaha sa GenSan

Namigay ng mga relief goods ang Brigadahan Foundation sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Dadiangas sa mga residenteng nasalanta ng baha dulot ng low pressure o LPA sa General Santos City.

Tumungo sa Barangay Buayan evacuation center ang mga lider at kinatawan ng Brigadahan Foundation at Rotary Club of Dadiangas upang ipagkaloob ang mga tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Ang relief operation ay isa sa mga inisyatibong ginagawa ng Brigada Group of Companies sa pangunguna ni Executive Vice President Yelcy Yasay Catulpos at ng mga miyembro ng Rotary Club of Dadiangas.

Ang mga apektadong pamilya ay inaasahang mabibigyan ng mga bigas, noodles, de lata, tubig at iba pa.

Tinatayang 200 mga pamilya ang lumikas sa kanilang mga tahanan matapos bahain ang kanilang lugar partikular ang Purok 1, Purok 2 at Purok Minanga sa Barangay Buayan Gensan.

Puspusan ang paghahandang ginagawa ng mga volunteers sa Brigadahan Foundation Office para agad na maihatid ang tulong sa mga nasalanta ng baha.
#

RELATED STORIES:

LPA, tuloy na magpapa-ulan sa Mindanao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *