BROD program ng Legazpi City Vet, pormal nang inilunsad

LEGAZPI CITY – Pormal nang inilunsad ng Legazpi City Veterinary Office ang kanilang Barangay Responsible Owners of Dog (BROD) program sa lunsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay City Veterinarian, Dr. Emmanuel Estipona, sinabi niyang kanila nang idederetso ang lahat ng mga pangangailangan pagdating sa pagpapatupad nito; at magkakaroon na ng deputization ng mga barangay, kung saan sa bawat purok sa barangay ay may mga deputized agent na silang nakakaalam ng terrain ng mga lugar o nakakakilala ng mga pet owners.

Sa ilalim din ng programang ito, ang mga deputized agents bawat purok ang siyang mag-iisyu ng citation tickets, at kapag hindi naman tinubos ay idederetso na sa legal office.

Maliban dito, papatawan din ng penalidad ang mga dog owners para sa mga lalabag sa inilunsad na ordinansa o programa kung saan umaabot sa PHP3,000 ang posibleng babayaran.

Binigyang-diin ni Estipona, ang programa ay isang bagong approach upang makontrol ang pagkalat ng mga aso na nagiging dahilan ng karamihan sa mga vehicular accidents sa lunsod at upang mabawasan na rin ang pagkakaroon ng rabies infection.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *