Camarines Norte isa sa 45 probinsiya sa Pilipinas na maraming “unvaccinated” na mga bata

CAMARINES NORTE – Napabilang ang Camarines Norte sa 45 lalawigan sa Pilipinas na maraming unvaccinated o mataas ang bilang ng mga batang hindi bakunado.

Kaya naman isinasagawa ngayon dito sa bayan ng Daet ang tatlong araw na inception meeting para COVID- 19 Vaccine and Routine Immunization Delivery Support (CDS) 3.

Nagsimula ito kahapon na tatagal hanggang bukas na dinadaluhan ng mga health officials sa lalawigan na pinangunahan naman ng Department of Health Bicol katuwang ang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF).

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Dr. Desiree Bricenio, National Immunization Program (NIP) Regional Manager ng DOH Bicol, sinabi nito na isa ang Camarines Norte sa nagko- contribute sa 60 % ng mga unvaccinated children.

Lahat din ng probinsiya sa Bicol ay natukoy na maraming bata na hindi bakunado maliban sa Catanduanes.

Ang pinakaunang mga bakuna na ibinibigay sa mga bata ay ang PENTA vaccine o ang bakuna kontra  Diphtheria, Pertussis, Tetanus, Polio at Hepatitis.

Paliwanag ni Bricenio na importante ang ganitong mga bakuna lalo’t nagkakaroon na naman mga kaso ng mga vaccine preventable diseases tulad ng measles at rubella.

Sa huling araw ng pagpupulong ay inaasahan ang pagdalo ni Governor Ricarte “Dong” Padilla, mga alkalde at ang mga konsehal na nasa committee on health.

Naniniwala ang DOH na hindi naman nagkulang sa information at vaccination drive ang mga LGU.

Kaugnay nito ay umapela ang DOH lalo na sa mga magulang na magkaroon ng tiwala sa bakuna para sa proteksyon ng kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *