Catanduanes chief provincial prosecutor, nagpahayag ng pasasalamat matapos ang matagumpay na pagtatayo ng bagong gusali ng DOJ sa lalawigan

Virac, CATANDUANES—Nagpahayag ng pasasalamat si Catanduanes Chief Provincial Prosecutor Atty. Mary Jane Zantua matapos na maisakatuparan ang pagtatayo ng bagong gusali ng Department of Justice sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Atty. Zantua, labis ang kanyang pagpapasalamat sa pamunuan ng DOJ, LGU-Virac, DPWH at sa lahat ng naging bahagi ng pagtatayo ng 3 storey building ng naturang ahensya.

Nagkakahalagang P16-Million na pondo ang inilaan ng national government para dito na itinayo sa loteng pag-aari ng LGU-Virac sa loob ng Community Hub sa Brgy. San Isidro Village.

Ang gusali ng DOJ sa islang lalawigan, ang magsisilbing tanggapan ng apat na ahensya ng pamahalaan tulad ng Chief Provincial Prosecutor’s Office; Public Attorney’s Office; Provincial Parole and Probation Office at National Bureau of Investigation.

Asahan din umano ang pagtatayo ng limang satellite offices ng DOJ sa limang bayan ng probinsya partikular sa mga bayan ng Baras, San, Andres, San Miguel, Panganiban at Pandan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *