City LGU, may 800 city scholars na minomonitor

Kinumpirma ng Barangay Affairs and Public Assistance Division (BAPAS) Sorsogon City na sa kasalukuyan ay mayroong silang kabuuang 800 City Academic Scholars na patuloy na minomonitor.

Sa panayam ng Brigada News kay Charo Dichoso Logronio, Officer In Charge ng opisina, sinabi nito na sa 300 bilang ay mga bagong nakapasa sa kanilang isinagawang screening ngayong taon na mga mag- aaral mula Senior High School (SHS) hanggang kolehiyo kung saan umabot na rin sa mahigit 50 ang napagtapos ng city government sa kanilang pag-aaral.

Mababatid na para sa mga nag-aaral sa mga pribadong eskwelahan, kada semester, ang bawat iskolar ay nakatatanggap ng P700.00 monthly allowance, P5K tuition fee, P1K uniform allowance, P1K book allowance at P600.00 project allowance o kabuuang P14,600 habang kabuuang P9,600 naman kada semester para sa mga naka-enroll sa State Colleges at Universities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *