Comelec wala pang schedule ng Oplan Baklas kaugnay sa Barangay at SK Elections

CAMARINES NORTE – Wala pang schedule ng Operation Baklas ang Commission on Elections kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Dalawang araw bago ang opisyal na pagsisimula ng campaign period kapansin- pansin na walang mga naglipanang tarpaulin o poster ng mga kandidato hindi tulad kapag national and local elections.

Ayon naman kay Election Officer III Annelyn Abanes ng Comelec Speaker’s Bureau nakahanda naman sila sakaling may bumabang order na magsagawa ng pagbabaklas.

Nagpaalala rin ito sa mga kandidato na posibleng maging ground for disqualification kapag nagpaskil nanng campaign materials na hindi pa campaign period.

Ayon naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) nakatanggp na sila ng sulat mula sa Comelec na humihiling na bumuo sila ng team sakaling kailanganin ng huli.

Ayon sa DENR- PENRO Camarines Norte nakahanda naman silang tumulong sa Comelec sa pagpapatupad ng election law.

Una na rin itong nagpaalala sa mga kandidato na huwag magpaskil ng campaign materials sa mga punongkahoy dahil labag ito sa batas. Magsisimula ang campaign period para sa BSKE sa October 19 hanggang 28.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *