Completion rate ng South Cotabato Provincial Hospital Annex Building, nasa 62%

KORONADAL CITY – NASA 62% na ang completion rate ng South Cotabato Provincial Hospital Annex na ipinatatayo sa Protech Center sa Koronadal City. Inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na naaayon sa plano ang construction ng naturang gusali upang matapos sa target date ng completion nito.

Napag-alaman na sinimulan noong December 2022 ang construction ng 4-storey hospital building na may 600 days contract period. Ang P 200 million na pondo para dito ay mula sa Department of Health habang ang dagdag na P 200 million ay mula naman sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR sa pamamagitan ng City of Dreams.

Layon nito na madecongest ang kasalukuyang provincial hospital building na nagsisilbi sa 200 mga inpatient at 500 mga outpatient clients kada araw. Sa pamamagitan ng Provincial Hospital Annex Building mas mapapaigting pa ang pagbibigay ng healthcare services sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *