COVID-19 recoveries sa Albay, pumalo na sa mahigit 4k

BICOL—Mas tumaas pa ang COVID-19 recoveries sa lalawigan ng Albay matapos magtala ng mataas na bilang ng mga bagong gumaling.

Sa tala kahapon, 155 ang nadagdag sa recoveries kung kaya pumalo na sa 4,174 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa sakit sa lalawigan. 125 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi at ang nalalabing 30 ay mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa probinsya.

Samantala, 14 na bagong kaso naman ang nadagdag kung saan 11 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi at tig-isa ang lungsod ng Ligao ag bayan ng Tiwi. Limang bagong pagkasawi naman ang nadagdag na pawang mula sa lungsod ng Legazpj kung kaya sumampa na sa 194 ang death toll sa sakit sa Albay.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 5,012 ang kumpirmadong kaso sa probinsya mula nang magsimula ang pandemya at 633 pa nito ang aktibong kaso.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng LGU at ng DOH sa mga Albayano na patuloy na sundin ang standard health protocol upang mapigilan ang pagkalat ng sakit kasabay din ng paghimok sa lahat na makiisa sa nagpapatuloy na COVID-19 vaccination rollout.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *