COVID-19 vaccine wastage ng PH, tumaas pa sa 44M

Tumaas pa sa 44 million doses ng mga bakuna laban sa COVID-19 ang nasayang ayon sa Department of Health.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang figure ay kumakatawan sa 17.5 percent ng kabuuang coronavirus jabs na naihatid sa bansa.

Noong nakaraang buwan, ibinunyag ng DOH na ang halaga ng wastage rate ay nasa 12 percent na katumbas ng higit sa 31 million ng mga bakuna o tinatayang nagkakahalaga ng P15.6 billon pesos.

Sinabi ni Vergeire na humigit-kumulang 24 million doses ang nag-expire dahil sa short shelf life. Ang iba pang 3.8 million shots ay mula sa “operational wastage” tulad ng temperature excursion, discoloration at natural disaster.

Tinutukoy pa ng DOH kung paano nasayang ang 5 percent o 2.2 milyon sa 44 million doses ng bakuna.

Sa briefing, sinabi ni Vergeire na karamihan sa mga nasayang na bakuna o 75 percent ay binili ng pribadong sektor at mga lokal na pamahalaan.

Sa kabuuang nasayang na doses, humigit-kumulang 4-5 percent ang naibigay at 2 percent ay binili ng national government.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *