Dagdag P40 na sahod sa NCR, epektibo na simula bukas!

Epektibo na simula bukas ang P40 na taas-sahod sa mga minimum wage earners sa National Capital Region .

Ayon kay National Wages Productivity Commission (NWPC) Executive Director Criselda Sy, magre-reflect na simula bukas, araw ng Linggo, ang umento sa pasahod ng mga empleyado sa metro manila.

Aniya, ang naging basehan sa pagbabalangkas nito ay ang bawat rehiyon.

Isinaalang-alang umano ng mga regional boards ang sampung criteria na nakasulat sa batas sa pagtatakda ng sahod.

Ilan lang sa mga kasama rito ayon kay Sy ay ang demand for living wage, consumer price index, cost of living, pangangailangan ng manggagawa at ng pamilya nito, at maging ang kakayahan ng rehiyon sa pag-iinvest.

Samantala, nag-request na rin ang NWPC sa National Economic and Development Authority (NEDA) ng analysis sa impact ng minimum wage increase sa key macroeconomic outcome.

Kung maaalala, mula nang ma-anunsyo ang aprubadong P40 na wage hike – kabi-kabilang mga pagbatikos ang nakuha nito mula sa mga labor groups dahil malayong-malayo pa raw ito sa tinatawag na ‘living wage’; ‘o ‘yung sahod para mabuhay ang isang pamilya sa loob ng iisang araw.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *