Dalawang Iranian actress, inaresto matapos magpahayag ng suporta sa anti-government protesters

Arestado ang dalawang kilalang aktres sa Iran bunsod ng hayagang pagsuporta sa mass anti-government protests.

Ayon sa report, inakusahan ng collusion at acting against Iranian authorities ang mga aktres na sina Hengameh Ghaziani at Katayoun Riahi.

Unang nakita sa publiko nang walang headcarves kasama ng mga demonstrador Matatandaan na sumiklab ang mga protesta sa Iran noong Setyembre matapos mamatay sa police custody ang isang babae nang dahil umano sa paglabag sa mahigpit na hijab rules.

Lumabas sa mga report na minaltrato, binatuta at iniumpog ang ulo ng 22 anyos na si Mahsa Amini, 22 anyos, bagay na itinanggi ng mga pulis at nanindigang namatay sa heart attack ang babae.

Bago naaresto, nakapag-post pa sa social media si Ghaziani kung saan sinabi nitong anuman ang mangyari ay kaisa siya ng mga mamamayan ng Iran at posibleng ito na ang kanyang huling post sa social media.

Ang dalawang aktres ay nakulong sa bisa ng kautusan ng Iran prosecutor’s office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *