Dalawang mangingisda na napaulat na nawawala matapos tumaob ang kanilang sinasakyang banka, natagpuan na

BNFM BICOL—NATAGPUAN na ang dalawang mangingisda na napaulat na nawawala matapos tumaob ang kanilang sinasakyang Bangka sa Maturin Rock, bayan ng Pandan, Catanduanes.

Kasama ang mga tauhan ng Pandan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at ang Philippine Coast Guard ay kanilang tinungo ang kinalalagyan ng mga biktima.

Sa ngayon, naibalik na sa kanilang mga pamilya ang dalawang mangingisda.

Wala namang sugat na natamo ang dalawa matapos maganap ang pangyayari.

Patuloy naman sa pagbibigay ng paalala ang pamunuan ng MDRRMO at PCG sa naturang bayan na mag-ingat kung maglalayag para maiwasan ang ganitong  uri ng aksidente. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *