Dialysis machines sa So.Cot provincial hospital, dadagdagan

KORONADAL CITY- PINAGSISIKAPAN ngayon ng provincial government ng South Cotabato na madagdagan ng 10 mga dialysis machines ang Hemodialysis Unit sa provincial hospital.
Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr na ito ay para sa expansion ng Free Dialysis Treatment sa lalawigan.

Sa ngayon, walo lamang sa 10 mga machines ang ginagamit dahil ginawang back-up ang dalawa dahilan kung bakit iilan pa lamang ang nakakabenepisyo nito.

Pinasiguro naman ng gobernador na patuloy na magbibigay ng assistance ang provincial government sa mga dialysis patients na hindi pa makakapag-avail ng libreng dialysis.

Maliban dito, pinaghahandaan na rin ng provincial government ang paglalagay ng tig 10 dialysis machines sa Polomolok at Norala.

Samantala, inihayag ni Tamayo na mga residente lamang ng South Cotabato ang makakabenepisyo sa naturang program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *