BIR nagpaalala sa obligasyon ng mga kakandidato ngayong darating na Barangay at SK Elections

CAMARINES NORTE – Halos tatlong linggo bago ang filing ng certificate of candidacy (COC), nagpaalala ngayon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa kanilang obligasyon na dapat i- comply.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Revenue District Officer Felix Roy ipinalala nito sa mga kakandidato na kailangang magrehistro sa BIR sa paghahain ng COC.

Kung mayroon nang dating registration dahil sa negosyo o pagpa- practice ng propesyon ay kailangan lang i- update ang registration dahil sa campaign expenditures.

Pero kung walang negosyo at unang pagkakataon na magpaparehistro sa BIR ay bibigyan ang kandidato ng temporary receipt at kailangang i- record sa libro ang magagastos sa kampanya at kailangan itong isumite sa opisina.

Paliwanag ni Roy, ikokonsiderang personal income ang mga hindi nagastos na kontribusyon at donasyon na natanggap ng isang kandidato, batay sa umiiral na Revenue Memorandum Circular noon pang 2013.

Kailangan umanong magbayad ang kandidato ng buwis sa mga hindi nagastos na kontribusyon na natanggap para sa pangangampanya.

Kapag dati nang may registration o kaya naman ay unang pagkakataon na magre- register sa BIR para lang sa pagtakbo sa halalan ay awtomatikong magtatapos ito sa loob ng 30 araw pagkatapos ng halalan kaya dapat ipa- cancel ang registration at ang mga hindi nagamit na resibo para sa eleksyon ay dapat i- surrender lahat sa BIR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *