DOH: Panahon lang makakapagsabi sa entry ng iba pang COVID Omicron sublineages sa PH

Inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na panahon lang ang makakapagsabi kung kailan makakapasok sa bansa ang ibang sublineages ng mas nakakahawang Omicron variant, at posibleng magdulot sa muling pagtaas sa kaso ng COVID-19.

Ayon kay Vergeire, ang anumang variant na papasok sa bansa ay magdadala ng pagkabahala sa gobyerno, dahil may mga naitatalang pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 sa ibang mga bansa gaya ng South Africa.

Una nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr, na ang namonitor ng mga eksperto na Omicron’s sub-variants BA.4 at BA.5 sa South Africa at Europe ay ang emerging variants of concerns na maaring magdulot ng global economic downturn at renewed travel restrictions.

Binigyang diin ni Galvez na dahil sa naturang variants o sublineages, “very imminent” umano na may pagtaas ng infections sa Pilipinas sa susunod na dalawa hanggang apat na linggo.

Mababatid na sa Pilipinas, may nadetect nang unang kaso ng Omicron BA.2.12 sa Baguio City mula sa 52-anyos na Finnish female na dumating mula sa Finland noong April 2. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *