DOH, wala pang naitatalang side effects mula Sputnik V COVID-19 vaccine

Inihayag ng Department of Health na walang pang naitatalang adverse side effects mula sa unang araw ng pagbabakuna gamit ang Sputnik V vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, inaasahan nila ang parehong mga side effects mula sa iba pang mga bakuna.

Matatandaan na ang bakuna mula sa Russia’s Gamaleya Institute ay dumating sa bansa noong May 1, matapos ang ilang beses na pagkaantala dahil sa logistical issues.

Ang initial na 15,000 doses ay hinati-hati para sa Manila, Makati, Taguig, Parañaque, at Muntinlupa at itinurok sa mga healthcare workers at mga taong may comorbidities. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *