Ginebra ‘team to beat’ pa rin sa 46th season ayon sa PBA coaches

Naniniwala ang maraming PBA coaches, kabilang na sina Chot Reyes, Chito Victolero, at Pido Jarencio, na ang Barangay Ginebra San Miguel pa rin ang nakikita nilang malakas na kuponan na dapat nilang matalo sa darating na PBA Season 46 na nakatakdang magbukas sa July 16.

Sinabi ni Reyes na nangingibabaw sa listahan nila sa TNT Tropang Giga ang defending champions na Barangay Ginebra ni coach Tim Cone, ngunit meron rin silang ibang contenders na nakikita.

Kamakailan lang ay nag-take over si Reyes bilang coach ng TNT na natalo ng Ginebra sa finals ng 2020 Philippine Cup noong Disyembre.

Ipinunto ni Reyes na bukod sa Ginebra ay nakikita niya na posible silang mahirapan sa Magnolia at SMB.

Gayunman, sinabi niya na gusto lamang nilang maging malusog at bumuti sa paglalaro ngayong season.

Samantala, iisa lang ang kuponan na pinangalanan nina Magnolia coach Victolero at NorthPort coach Jarencio, at ito ang nag-iisang Ginebra.

Ipinunto ni Victolero na batid niya na hindi ito magbabago kahit pa nakapagpahinga sila ng matagal.

Naniniwala si Victolero na halos perfect na ang pangkat ng Ginebra, at kayang-kaya ni Cone na gawin ang kahit anong team bilang title contender tulad ng ginagawa nito ngayon sa Gin Kings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *