Go pinamamadali sa Philhealth ang pagproseso sa mga Philhealth claims

Kinumpirma ni Senate Committee on Health chairman senador Christopher Bong Go na nagkausap na sila ni PhilHealth President Dante Gierran upang iparating ang reklamo ng mga pagamutan kaugnay sa mga hindi pa nababayaran ng PhilHealth sa mga hospital claims.

Ayon kay Go, nagbigay ng assurance si Gierran na ginagawa ng PhilHealth ang lahat para mapabilis ang proseso.

Inihayag umano sa kanya ng Philhealth President na halos 12.5 million claimants ang pinoproseso nila sa isang taon o katumbas ng isang milyong claims kada buwan.

Sa ngayon may humigit-kumulang 40% (forty percent) pa na claims ang under reconciliation subalit ang malinaw  dito ay nasa proseso ito ng validation upang masigurong walang masasayang o mananakaw na pondo ng bayan.

Nakikipagtulungan na din umano ang PhilHealth sa NBI upang imbestigahan ang mga kaso ng false claims na maaaring ugat ng korapsyon at mas lalong pagbagal ng proseso.

Umapela naman si Go sa mga ospital na makipagtulungan sa Philhealth sa pamamagitan ng pag-validate ng mga claims at tiyaking ito ay tama at alinsunod sa umiiral na batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *