Health, Nutrition at Social Services may pinakamalaking pondo sa 2024 Annual Budget

Nangunguna ang Health, Nutrition at Social Services sa may pinakamalaking budget na inilaan ng Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon sa 2024 Annual Budget.

Sa susunod na taon ay aabot sa P3B ang kabuuang Fiscal Year 2024 Annual Budget ng lalawigan.

Mapupunta ang 48.52% o mahigit P1.4B sa Health, Nutrition at Social Services; ang 19.34% o P578M naman ay para sa General Public Services; 13.60% o mahigit P406M ay para sa Economic Services at 8.93% o mahigit P266M ay inilaan para Infrastructure Projects sa ilalim ng 20% Development Fund.

Ang 4.39% o mahigit P131B ay para sa 5% Calamity Fund; 3.85% o P115M ay para naman sa Loan Amortization sa ilalim ng 20% Development Fund; 1.00% o mahgit P30M ay para sa Debt Servicing; 0.33% o P10M ay para sa Confidential Fund at 0.04% o mahigit P1M ay inilaan para sa tulong sa mga barangay.

Sa alokasyon naman sa 7K flagship program, P100M ang budget ng Kalusugan at Kadunungan program; P30M ang inilaan para sa Kagandahan, Kalinigan at Katrangkiluhan program; P29M ay para naman sa Kabuhayan program at P20M ang inilaan para sa Kalikasan program.

Sa mahigit P3B na 2024 General Fund ng PLGU, P63.87% rito ay mula sa National Tax Allotment Share; 22.29% ay mula sa Revenue o Hospital Income; 12.20% ay mula sa Beginning Cash Balance; 1.51% ay mula sa Local Tax Revenue; 0.09% ay mula sa PAGCOR o PCSO at 0.03% ay mula naman sa Extra Receipts, Grants at Donations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *