31IB may bago ng commander

Pormal nang umupo sa kanyang puwesto bilang bagong commander ng 31st Infantry Battalion si Ltc Joy Villanueva matapos ang Change of Command Ceremony noong isang linggo.

Ibinigay na ni Ltc Marlon Mojica ang kanyang responsibilidad sa pamumuno ng nasabing batalyon kay Villanueva sa isang simpleng seremonya.

Si Ltc Villanueva ay dating Deputy Asst Chief of Staff for Operations ng 9th Infantry Division. Ito ay mula sa Vigan, Ilocos Sur at isang lisensyadong Architect na may Master’s Degree sa Public Administration at Public Management, major in Development and Security.

Nagtapos din si Villanueva ng ilang kurso at pagsasanay sa military, kabilang ang Scout rangers Course, Military Intelligence Basic at Advanced Courses at Command and General Staff Course.

Pinangunahan naman ng commander ng 9th Infantry Division na si MajGen Adonis Bajao ang nasabing change of command ceremony.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *