House panel, aprub na ang rightsizing bill sa mga ahensya ng Exec dep’t

Inaprubahan na ng House government reorganization panel ang draft substitute bill sa panukalang National Government Rightsizing Act, na naglalayong bawasan ang workforce ng gobyerno para mas maging responsive sa pangangailangan ng mga tao.

Inaprubahan ng panel ang nananatiling unnumbered substitute bill, matapos itong isama sa input ng Department of Budget and Management (DBM), na nagmungkahi para sa rightsizing bill na isinailalim sa technical review.

Sa ilalim ng draft substitute bill kaugnay sa rightsizing measure, nakasaad na saklaw lang ng rightsizing ang mga ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng Executive department, maliban sa mga guro at mga nasa medical-related posts.

Hindi rin saklaw sa panukala ang military at uniformed personnel, maging ang mga posisyon sa Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at Government Financial Institutions na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Governance Commission on GOCCs.

Binigyang diin ni House appropriations panel senior vice chairperson at Marikina City 2nd District Representative Stella Quimbo, na kailangan lang ipatupad ang rightsizing matapos ang evaluation sa mga umiiral na government agencies. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *