Iba’t ibang mga health services ng CHO-Koronadal, iprenisenta!

KORONADAL CITY – IPRINISENTA ng City Health Office ng Koronadal ang iba’t ibang mga serbisyo at programa na ipinapatupad ng city government. Nasa kabuuang 18,060 ang naserbisyuhan na mga pasyente sa main office, gayundin sa dalawang mga health districts sa mga barangay ng GPS at Concepcion.

Simula noong Hunyo hanggang Disyembre 2023, nasa 11, 352 ang kanilang natulungan samantala 6,708 naman noong Enero hanggang Marso ngayong taon.

Pumalo naman sa 5,084 na-issuehanang Sanitation Permit kung saan umakyat sa P1,016,000 ang koleksyon sa aktibidad na ito samantala14,405 naman ang na-issuehan ng Health Card kung saan nasa P1,440,500 ang koleksyon na naipon.

Nasa 312 naman ang natulungan sa medical, 29 sa OB, 145 sa mga aksidente, at 214 ang sa patient transport sa ilalim ng 24/7 Health Emergency Medical Services.

Umakyat naman sa 37,005 na mga indibidwal ang nakapagparehistro sa PhilHealth Konsulta.Ang programang ito ng PhilHealth ay may malaking maitutulong para sa lubos na nangangailangan.

Kaugnay nito, nagpapatulot padin ang programa ito ng ahensya kung saan hinihikayat ang lahat na magparehistro.

Samantala, 753 simula noong Hunyo 2023 hanggang Marso 2024 ang mga pasyente na nakatanggao ng bakuna sa ilalim ng Animal Bite kung saan 5,351 naman simula noong Hunyo 2023 hanggang Marso 2024 ang natulungan sa ilalim ng programang Dental Services.

Nasa 198 naman na mga pasyente ang tinututukan ng TB DOTS Center dahil sa nagpapatuloy na paggamot simula noong Enero hanggang Marso 2024 kung saan 114 ang isinailalim sa geneexpert samantala 170 naman ang isinailalim sa HIV testing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *