Ika-5 sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa bayan  ng Labo nadakip sa Catarman, Northern Samar

CAMARINES NORTE- Sa ikinasang Manhunt Charlie Operation, Napasakamay ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Labo MPS at Catarman MPS, Northern Samar ang isang 28-anyos na lalaking may kasong panggagahasa at nakalista  bilang pang-5 sa Municipal Most Wanted Persons sa bayan ng Labo nitong Mayo 16, 2022 dakong 11:35 ng umaga sa pampublikong pamilihan ng Brgy. Narra, Catarman, Northern Samar.

Ang nabanggit na akusado ay kinilalang si alyas MIKO, 28 anyos, residente ng Labo, Cam. Norte. 

Ang nabanggit na personahe ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong RAPE in relation to RA 7610 na walang rekomendadong piyansa.

Ayon sa ulat, ang akusado ay nahaharap sa kasong panghahalay sa 15 anyos na dalaga na katipan nito na naganap Disyembre taong 2015.

Ang biktima umano ay nagtangka pang magpakamatay sa pamamagitan ng pag inom ng lason dahil sa naranasang pang-aabusong sekswal.

Ang nasabing personahe ay nasa kostudiya na ng mga umarestong tauhan ng Labo MPS para sa pagturn-over nito sa korteng pinagmulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *