Ika-79 taong komemorasyon ng Catanduanes Liberation Day, kasado na; pamahalaang panlalawigan hinimok ang mga Catandunganon na makiisa

BNFM BICOL— HINIMOK ng Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes ang mga Catandunganon na makiisa sa gaganaping komemorasyon sa ika-79 taong anibersaryo ng paglaya ng lalawigan sa kamay ng Hapon, sa araw ng Huwebes, Pebrero 8, 2024 sa Provincial Capitol Lobby.

Bukod sa wreath-laying ay magkakaroon din ng 21-gun salute mula sa puwersa ng kapulisan ng lalawigan para bigyan ng pagpupugay ang mga naging kontribusyon ng mga gerilyang Catandunganon na nakipaglaban sa mga dayuhan.

Matatandaang, nilusob ng mga Hapon ang lalawigan ng Catanduanes noong Pebrero 2, 1945 na nagtagal ng limang araw ang sagupaan at opisyal na nakamtan ang kalayaan noong Pebrero 8, 1945.

Samantala, inaasahan naman na magbibigay ng mensahe ang mga opisyal at ilang miyembro ng Provincial Veteran Affairs Office ng lalawigan kaugnay sa isang makasaysayang kaganapan. ### MITZI LOMERIO, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *