Ikatlong Cabinet meeting ng administrasyong Marcos, lumarga na ngayong umaga

Lumarga na ang ikatlong pagpupulong ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos.

Close-in ang Cabinet meeting kaya inaasahang pagkatapos pa nito ilalahad ang mga natalakay sa pagpupulong.

Sa short video clip mula sa RTVM, sinabi ni Marcos na unang magpe-presenta ng mga programa at plano ang dalawang mga Kagawaran.

Kabilang na rito si Vice President and Education Secretary Sara Duterte.

Inaasahang ilalatag nito ang plano ng DepEd para sa papasok na klase sa Agosto, at ang full resumption ng face-to-face classes sa Nobyembre.

Kasama rin sa tinawag ni Marcos ay ang DSWD sa pangunguna ni Secretary Erwin Tulfo.

Matatandaang ilan sa mga order ni Marcos kay Tulfo ay ang paglilinis ng listahan ng mga benipesyaryo ng 4Ps.

Present din sa meeting si Department of Health OIC Maria Rosario Vergeire ngunit ‘di pa tiyak kung kabilang sa agenda ngayong umaga ang alert level system classifications sa bansa.

Matatandaaang inextend na muna ito habang pag-aaralan ang ‘reclassification’ ng COVID-19 alert levels.

Nakatakda namang bumalik na ang ‘in-person’ press briefing sa DOH ngayong hapon.

Nagkakaroon din ng pulong ang mga miyembro ng NTF vs COVID-19 sa Camp Aguinaldo ngayong umaga.

Present dito ang ilang mga opisyal ng Department of National Defense at ng NDRRMC.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *