Imbestigasyon ng Kamara sa mga spam messages, lumarga na rin

Lumarga na rin ang imbestigasyon ng Kamara sa talamak na smishing at scam text messages.

Pinangunahan ng House Committee on Information and Communications Technology ang pagdinig na layong makabalangkas ng mga legal na aksyon laban sa mga nasa likod nito.

Dumalo ang iba’t ibang kinatawan mula sa mga major telcos at sa National Bureau of Investigaiton.

Ayon sa chairperson ng Kumite na si Navotas City Rep. Toby Tiangco, maging siya ay nakatatanggap na rin ng mga scam messages na ito.

Dahil dito, inisa-isa ng Kumite ang mga hakbang ng mga telcos para malabanan ito.

Kabilang na rito ang binuong mga software para otomatikong ma-block ang mga sims sa oras na magpadala ito ng mga text na mayroong mga keywords na posibleng indikasyon ng text fraud.

Tiniyak din ng telcos na magkakaisa sila para bumuo ng joint memorandum para malabanan ang mga ito.

Iminungkahi naman ni Ways and Means Committee chairperson Rep. Joey Salceda na padaliin ang hotline number ng NBI para mas madali itong matandaan ng publiko.

Nalaman kasing aabot lamang sa 400 hanggang 500 ang mga reklamong naimbestigahan ng NBI Cybercrime Division.

Bukas naman ang mga telcos sa suhestyon ni Salceda na gawing ’69’ ang numero ng NBI para mabilis itong ma-memorya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *