Incoming BIR chief, dapat bigyan ng panahon para kolektahin ang utang ng mga Marcos – solon

Naniniwala si Senador Koko Pimentel na kinakailangan pang mabigyan ng sapat na panahon si Bureau of Internal Revenue commissioner-designate Lilia Guillermo para makolekta ang hindi mabaya-bayarang utang ng pamilya Marcos sa Gobyerno at sa mga Pilipino na nagkakahalaga ng P203Billion.

Matatandaang sa isang panayam, nangako si Guilermo, commissioner-designate ni President-elect Bongbong Marcos, na hahabulin nito ang kung anong nararapat bayaran ng mga Marcos.

Ayon kay Pimentel, dapat ay bigyan ng publiko ng pagkakataon si Guillermo na aralin muna nang maigi ang isyu na ito.

Una na kasing sinabi ng papasok na BIR commissioner na bagamat handa silang tumugon sa desisyon ng Korte – hindi pa rin nito tiyak ang eksaktong halaga na kailangang bayaran ng mga Marcos.

Sagot dito ni Pimentel, maaari naman aniyang unahin na muna ng BIR ang P23Billion na utang kung ito naman ang halaga na hindi kino-kontra ng dating first family.

Sa huli, hinikayat ni Pimentel ang mga kawani ng media at ang publiko na patuloy na magbantay sa mga hakbang ni Guillermo para makumpleto na ang ‘di mabaya-bayaran nitongl liability sa mga Pilipino.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *