Jak Roberto, nalungkot sa mga fan wars

Inamin ni Jak Roberto na hindi siya naiinis o naiirita sa mga fans na patuloy sumusuporta sa kanyang girlfriend na si Barbie Forteza at sa ka-love team nitong si David Licauco.

Ayon kay Roberto, nalulungkot lamang siya dahil sa mga komento ng mga netizens na ‘parang’ pine-personal na at nakapagbitaw na ng hindi magandang salita.

Aniya, naiintindihan naman nito na isa siyang public figure kaya’t hindi maiiwasan ang ganitong sitwasyon.

Dagdag pa ng aktor, sana maintindihan ng publiko na may boundaries ang trabaho at ang personal na buhay ang mga artista.

Giit ni Roberto, professional silang magkasintahan at pabiro pa niyang sinabi ‘kaya professor ako ng anti-silos class.’ Bukod dito, may viral na sayaw ang aktor sa social media na binansagang ‘anti silos dance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *