Jordan Clarkson, nais na makasali muli sa Gilas

Handa ang Utah Jazz guard na si Jordan Clarkson na makasama muli sa Gilas Pilipinas sa hinaharap.

Sinabi ni Clarkson na pwede siyang sumali sa mga torneyo na lalahukan ng Pilipinas sa hinaharap oras na makaluwag-luwag siya sa kanyang NBA duties.

Ayon kay Clarkson, nais niyang maisuot muli ang kanyang Gilas jersey at makatulong sa pagkamit ng panalo para sa bansa.

Matatandaan na nakasali ang 6-foot-5 shooting guard sa Gilas noong 2018 Asian Games matapos ang mahabang diskusyon sa pagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at Cleveland Cavaliers na dating team ni Clarkson.

Doon ay pinangunahan ni Clarkson ang Pilipinas na nagtapos sa ikalimang pwesto, na pinakamataas na ranking na nakuha ng bansa sa loob ng 16 na taon. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published.