Kakulangan sa access sa malinis na tubig, hinaing ng mga residente sa buong rehiyon

‘Alarming’ umano ang naging hinaing ng mga residente mula sa mga barangay sa buong rehiyon ng Bicol kung saan naghahangad ang mga ito ng access sa malinis na tubig ayon sa Ako Bicol party list.

Ayon kay AKB executive director Alfredo Garbin, nakakaalarma ito dahil tubig ang pinakaunang depensa pagdating sa anumang uri ng mga karamdaman.

Aniya, hindi tayo makakasiguroat makaasa ng malusog na populasyon kung mayroong problema sa access sa malinis na inuming tubig.

Dahil dito, nag-iisip sila ng konsepto sa kung paano nila ito maipaaabot sa kongreso na magkaroon ng magandang proyekto para sa water systems.

Sinabi niya noong taong 2019 ay nagsisimula na silang maglikom ng mga pondo para sa water systems at noong 2020 ay nakapag-allocate sa 74 water systems sa buong rehiyon kung saan karamihan dito ay isinagawa sa lalawigan ng Albay.

Noong pagsapit naman ng 2021 ay kumpleto na ang 74 na mga ito, habang ngayong 2022 ay mayroon nang 94 water system projects sa rehiyon.

Dagdag pa niya, ang access sa tubig ay isang basic human right kung saan idibeklara ito hindi lamang sa United Nations convention kundi maging sa bansang Pilipinas. At dahil ditto, magpapatuloy pa rin umano ang paglalaan nila ng mga pondo sa mga proyektong may kinalaman sa water systems.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *