Katawan ng nawawalang tripulante ng barge na sumadsad sa Botolan, natagpuan na

Natagpuan na kaninang umaga ang katawan ng nawawalang tripulante ng barge na sumadsad sa karagatang sakop ng Bangan, Botolan, Zambales nakalipas na Linggo ng hapon.

Nakita ang biktimang si Arland Baculando, 34-anyos na taga-Bulacan sa dalampasigan ng San Agustin, Iba, Zambales.

Ayon kay PCG Botolan Sub Station Commander PO3 Mar Marasigan, maaga pa ng itinawag sa kanila ng Iba MPS na may natagpuang katawan sa lugar.

Pinuntahan ito ng PCG, MDRRMO at iba pa kasama ang pamilya at nakumpirmang ito nga ang nawawalang crew.

Matatandaan na kahapon ay narescue ng mga otoridad ang limang kasamahan nito na nasa maayos na rin umanong kondisyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Sgt. Bantalay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *