Lalaki na may kasong rape sa lunsod ng Ligao, arestado

LEGAZPI CITY – Nasa kulungan na ngayon ang 42 anyos na lalaki matapos itong arestuhin ng mga otoridad dahil sa kasong panggagahasa sa San Jose St., Brgy. Sta. Cruz, Ligao City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Marco”, residente ng Brgy. Macalidong ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, natagpuan ng mga otoridad ang kinaroroonan nito, kung kaya’t agad silang nagsagawa ng operasyon upang mahuli at harapin ang isinampang kaso noong Oktubre 12, 2004.

Nang matunton ang kinaroonan ng suspek ay agad itong inaresto, habang wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang suspek ay agad na dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *