CAMARINES SUR- Patay na nang matagpuan ang isang lalaki sa Bato, Camarines Sur.
Sa ulat ng Bato MPS, nakita na lamang ang wala nang buhay na si Rafael Reyes y Cuarto sa lake shore ng San Vicente Bato, bandang alas 7:45 ng umaga nitong Huwebes Hulyo 19, 2023.
Sa imbestigasyon residente ng Brgy. Fabrica, Bula parehong lalawigan si Reyes , huli itong nakita bandang alas-dos ng madaling araw nitong Hulyo 18, 2023 at napag-alaman na manghuhuli ng isda pero hindi na nakabalik.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.