P54.685M, naitalang pinsala sa fish kill sa Taal Lake

Umaabot na sa halagang P54.685 milyon ang iniwang pinsala ng ‘fish kill’ sa tatlong munisipalidad sa Taal Lake sa Batangas.

Ito ay naitala sa mga bayan ng Talisay, Agoncillo at Laurel.

Ayon sa Bureau of Fishries and Aquatic Resources (BFAR-4a), umabot sa P36.417 million ang halaga ng namatay na mga alagang Bangus mula sa 124 fish cages at P18.268 million naman sa mga alagang Tilapia mula sa 117 na fish cages.

Umabot sa 334.28 metriko tonelada ang namatay na mga Bangus habang nasa 252.10 metriko tonelada naman sa alagang Tilapia.

Sa kabuuan ay umaabot sa 241 cages ng Tilapia at Bangus ang  naapektuhan ng naturang fish kill habang ang natitirang palakihing isda ay nananatili sa 44 cages.

Sa isinagawang water quality analysis ng naturang ahensya, natukoy na ang fish kill ay epekto umano ng pabago-bagong panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *