Lalaki, sinaksak ng mister ng kainuman sa San Jose, Batangas

Nagtamo ng saksak sa kamay ang isang lalaki matapos umanong pagselosan ng mister ng kanyang naka-inumang babae sa Brgy. Aguila, San Jose, Batangas. 

Kinilala ng San Jose Municipal Police station ang naturang suspek na si Frendijo Abad, tubong Banawe, Ifugao at residente ng Brgy. Aguila, San Jose Batangas.

Sa naging pahayag ni PSSg. Michael Darwin Coliat sa Brigada News FM Batangas, maaring selos ang naging ugat ng pananaksak ng suspek sa biktima na kanya mismong bayaw.

Ayon sa imbestigasyon, nakikipag-inuman umano ang biktima na si Jordan Agustin, 36 anyos at ang misis ng suspek sa loob mismo ng furniture shop ng mangyari ang insidente.

Nagkaron ng diskusyon sa pagitan ng biktima at suspek dahil pinapa-agwat na ng suspek ang kanyang asawa sa inuman.

Dahil sag alit ay kumuha ang suspek ng pait at siya nitong ginamit na panaksak sa naturang biktima.

Nagtamo ang biktima ng tama sa kamay at ngayon ay patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ang suspek na tumakas matapos mangyari ang naturang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *