LGU-Roxas,Isabela, namamahagi ng remdesivir sa mga positibo sa COVID-19

Namamahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Roxas ng vials ng Remdesivir sa mga nagpopositibo ng COVID 19 sa kanilang nasasakupan.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Mayor Jonathan “Totep” Calderon, ito ay bilang bahagi ng kanilang programa laban sa COVID 19 kung saan bumili ang LGU Roxas ng Remdesivir.

Ayon kay Mayor Calderon, makakatanggap ang mga COVID patients ng dalawang vials ng Remdesivir at libre itong ibibigay sa mga residente.

Gayunman, kung sakaling kukuha pa ng karagdagang dose ng Remdesivir ay may kaukulang bayad na ito dahil inaabot sa 6 hanggang 10 ang nagagamit na doses ng Remdesivir ng isang pasyente.

Maari umanong bumili mismo sa munisipyo kung saan mabibili ito sa parehong presyo kumpara sa gray market na mabibili sa hindi bababa sa 10,000 pesos.

Sapat naman umano ang suplay ng kanilang remdesivir dahil narin sa paghupa ng kanilang kaso ng COVID 19.

Sa ngayon nasa 41 na aktibong kaso ang bayan ng Roxas at nagpapatuloy ang kanilng vaccination roll out sa mga senior citizen at mga comorbidities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *