Lineman, patay sa heat stroke

Hindi na nakarating ng buhay sa ospital ang isang lineman matapos ito atakihin ng heat stroke.

Kinilala ang biktima na si Jason Patotoy, 47-anyos, lineman ng Masbate Electric Cooperative (Maselco) at residente ng Brgy Sawang, Uson, Masbate.

Sa ulat na nakarating sa Brigada News, inatake ang biktima habang nagkukumpuni ito ng linya ng kuryente sa Brgy Guiom, Cawayan, Masbate.

Naitakbo pa ito sa ospital subalit idineklarang wala ng buhay ng sumuring doktor.

Ang heat stroke o sun stroke ay isang seryosong uri ng sakit sa init at kinukunsidera itong medical emergency dahil maaari itong makamatay o magdulot ng matinding pinsala sa utak at iba pang laman loob ng katawan.

Nangyayari ito kapag ang temperatura ng katawan ay umaakyat sa mahigit 40.6 °Celsius (105.1 °Fahrenheit).

Bagama’t ang heat stroke ay madalas nakaaapekto sa mga may edad na 50-anyos pataas, hindi rin nakakalusot dito ang mga malusog at batang atleta, maliliit na bata at maging matataba o overweight na tao.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *