Mahigit 58K na Sorsoganon, hindi rehistradong botante

Mahigit 58K na mga Sorsoganon ang hindi rehistradong botante, batay  ito sa pinakahuling datos o 2023 registered voters ng Commission on Elections (COMELEC) at latest 2020 Census of Population and Housing ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa tala ng COMELEC, ngayong 2023 ay umabot sa 770,021 ang kabuuang bilang ng registered voter sa buong Sorsogon kung saan 553,022 mula sa nasabing bilang ay mga rehistradong botante bilang mga regular voter habang 216,999 ay mga rehistradong botante ng Sangguniang Kabataan sa buong lalawigan.

Nangunguna sa pinakamaraming botante sa parehong regular at SK registered voters ay ang Lungsod ng Sorsogon na umabot ng 157,206, pangalawa ay ang Bayan ng Bulan, pangatlo ang Bayan ng Pilar, sumunod ang Irosin at ang Bayan ng Gubat.

Ang Bayan naman ng Sta. Magdalena ang may pinakamaliit na bilang ng mga rehistradong botante na umabot lamang ng 17,511.

Samantala, tumaas naman sa 231,939 ang mga rehistradong botante sa lalawigan ngayong 2023 matapos na makapagtala ng 538,082 na mga registered voters nitong 2022.

Sa latest 2020 census of population and housing naman ng PSA, umabot sa 828,655 ang kabuuang populasyon ng buong lalawigan. Tumaas ito ng 0.93% mula 2015.

Ang Lungsod ng Sorsogon pa rin ang  may pinakamaraming populasyon sa lalawigan na umabot sa 182,237.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *