Bishop Alarcon ng Diocese of Daet nanawagan sa mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na itaguyod ang kabutihang panlahat.

CAMARINES NORTE – Nanawagan si Bishop Rex Andrew Alarcon ng Diocese of Daet sa lahat ng mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre na itaguyod ang kabutihang panglahat o common good.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet binigyang diin ng Obispo na ang paglahok sa halalan at ang pagnanais na maka- pwesto ay nangangahulugan ng pagsasakripisyo para sa nakakarami.

Aniya, hindi ito madali pero tiniyak ng Obispo ang kaniyang panalangin sa lahat ng mga kakandidato at hangad umano niya na makatuwang sila ng simbahan para sa kapakanan ng komunidad.

Batay sa datos ng Commission on Elections umaabot sa 11, 137 indibidwal ang naghain ng Certificate of Candidacy sa Camarines Norte.

Sa bilang na ito 759 ang naghain ng COC para sa punong barangay positions, 5,971 para sa  sangguniang barangay members,  731 para sa SK chairperson, at 3, 676 para sa SK members.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *