Mahigit 600 katao, nahuli ng PNP Bicol dahil sa iligal na droga sa 1st semester ng 2023

LEGAZPI CITY – Umabot sa mahigit 600 ang bilang ng mga nahuling suspek sa Bicol Region na may kinalaman sa iligal na droga sa unang semestre ng taong 2023.

Ito ang kinumpirma ni PNP Bicol Regional Spokesperson PLt. Col. Malu Calubaquib, kung saan nasa 669 ang kabuuang bilang nito at 610 namang kaso ang naisampa na sa korte.

Dagdag pa rito, umabot naman aniya sa mahigit PHP58.9 million ang kabuuang bilang ng nasamsam na halaga ng iligal na droga, na may timbang na mahigit 8,000 gramo ng “shabu” at mahigit 300 gramo ng “marijuana.”

Ayon kay Calubaquib, mula ang mga ito sa 541 na operasyon laban sa iligal na droga na isinagawa ng iba’t ibang unit ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *