Mahigit 80K indibidwal na posibleng ilikas sakaling itaas ang alert level ng Mayon, maaari pa umanong madagdagan kung magkaroon ng banta ng lahar – APSEMO

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na maaari pang madagdagan ang 80,000 na mga indibiwal na posibleng ilikas sa oras na itaas sa alert level 4-5 ang Bulkang Mayon kung magkakaroon ng banta ng lahar.

Ito ang kinumpirma ni APSEMO Chief Dr. Cedric Daep, kung saan ayon sa kanya, 80,000 evacuees kung normal explosive eruption ang mangyayari sa bullkan, subalit mababago ang bilang at madagdagan kung magkaroon pa ng ibang hazard na maaaring mauwi sa complex disaster tulad ng lahar.

Ayon kay Daep, posibleng magkaroon ng lahar dahil sa banta ng mga pag-ulan mula sa low pressure area.

Subalit, nilinaw naman niya na ang lahar ay nagtatagal lamang ng isa hanggang dalawang araw at pagkatapos nito, pauuwiin din sila sa kani-kanilang mga tahanan.

Ani Daep, ang mga populasyon na idaragdag sa bilang ay mula sa mga lugar na malapit sa rivel channels ng nasabing bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *