Mahigit 90 porsiento ng 523, 545 na target population sa Camarines Norte rehistrado na sa PhilSys

CAMARINES NORTE – Inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umaabot na sa kabuuang 473,797 na indibidwal edad limang taong gulang pataas ang rehistrado na sa Philippine Identification System (PhilSys) sa lawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos ng PSA, mula June 2021 hanggang September 30, 2023 nasa 90. 50 % na ito ng target population na 523, 545.

Nasa 128, 764 na ePhilIDs naman ang naipamahagi para sa mga naghihintay pa ng kanilang physical Id card.

Para masiguro ang mas malawak na coverage ng rehistradong populasyon tiniyak ng PSA Camarines Norte na magpapatuloy ang pagsasagawa nila ng mobile registration at  ePhilID distribution sa tulong ng partner agencies at mga eskwelahan. Ayon pa sa ahensiya magpapatuloy ang kanilang collaboration sa Provincial Government sa pamamagitan ng pagpunta sa mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *