Mahigit P100K halaga ng droga nakumpiska sa loob ng 2 linggo ng SPPO

SORSOGON CITY – Aabot sa P102, 546.836 na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng drug enforcement units ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) sa loob ng mahigit dalawang linggo.

Sa datos ng PRO5 na inilabas, aabot sa 539.1502 na gramos ang Marijuana na nakumpiska habang 5.566 gramos naman sa shabu.

Ang anti-illegal drug operations ay isinagawa sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan mula Abril 26 hanggang Mayo 15 ng kasalukuyang taon.

Nanguna naman ang Albay PPO sa anti-illegal drug operations makaraang makakumpiska ng halos P1.4M na halaga ng droga, pinakamarami dito ang shabu na umabot sa 205. 7175 gramos habang sa Marijuana naman ay umabot lang sa 0.577 gramos.

Ang Albay ay sinundan ng Camarines Sur PPO na nakakumpiska ng mahigit P500K na shabu at Masbate na may nasamsam na mahigit P300K shabu.

Kinilala naman ng pamunuan ng PRO5 ang dedikasyon ng mga operatiba ng Pulisya na walang tigil na nagsisikap para mapanatili ang kaayusan ng komunidad sa pamamagitan ng pagtanggal sa banta ng iligal na droga na siyang pangunahing ugat ng sanhi ng kriminalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *