Major re- shuffle sa hanay ng mga kaparian ng Diocese of Daet sa Enero na ipapatupad- Bishop Alarcon

CAMARINES NORTE- Ipapatupad ang major re- shuffle sa hanay ng mga kaparian ng Diocese of Daet sa Enero na ng 2023.

Ito ang inanunsiyo ni Bishop Rex Andrew Alarcon kahapon, sa pagdiriwang ng buong simbahang katoliko sa buong mundo ng Christ the King Sunday.

Ayon kay Alarcon, naantala ang major re- shuffle dahil kinilala pa umano niya ang mga pari at inalam ang sitwasyon.

Matatandaan na pormal na itinalaga si Bishop Alarcon bilang ika- apat na Obispo ng Daet noong March 2019 makaraan ang dalawang taong pagiging “Sede Vacante”  ng Diocese matapos namang italaga si Bishop Gilbert Garcera noong 2017 bilang Arsobispo ng Lipa.

Mula noon ay walang galawan sa mga Parish Assignment maliban sa ilang temporary appointment.

Bukod dito tumama rin ang COVID- 19 noong 2020 hindi pa man lang halos nakaka isang taon matapos magkaroon ng bagong Obispo.

Naniniwala naman si Alarcon na tamang- tama lang ang “timing” ng major re- shuffle dahil nataon aniya ito sa panawagan ng synodality at pagpapanibago ng simbahan.

Hangad umano ng Obispo na sa pamamagitan nito ay magkaroon ng “renewed enthusiasm” sa hanay ng mga pari.

Matatandaan na unang inanunsiyo ang tungkol sa re- shuffle noong Biyernes sa pagtatapos ng annual retreat ng mga kaparian na ginanap sa Tagaytay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *